Sa tuktok ng isang gulod na mababa Ay may isang krus na luma Doo'y ipinako si Kristong dakila Patungkol sa sala ng madla!
REFRAIN
Aariin kong isang yaman Ang krus N'yang kamahal-mahalan Sa wakes ito'y papalitan Ng isang putong na makinang.
Oh ang krus na yaong inaalimura Sa akin ay mahalaga Sa pagka't si Kristo ang Siyang nagdala Doon sa bundok ng Golgota.
Oh yaong lumang krus na duguduguan Maganda kung aking masdan! Sa pagka't si Kristo ang Siyang nagdala Ang sa salang kapatawaran!
Oh sa krus na yaon ako'y magtatapat Mamahalin hanggang wakes Pagsapit ng araw aking ilalapag At ako sa langit lilipat!